Sabado, Hulyo 20, 2013

FILIPINAS o PILIPINAS??

kuha ni Anton Diaz (2007)

Filipinas dahil ito ang nagrerepresenta ng kasaysayan at maraming buhay ang naibuwis at bayang nagsakripisyo para lamang sa pangalang ito. sapagkat dito natin nasusukat ang pangalan ng isang bansa sa taglay nitong kasaysayan  kulturang naipamana ng mga sumakop sa ating bansa. hindi din naman mabubuo ang ating bansa kung walang nakatuklas at sumakop sa atin, sa pananaw ko hindi natin mapagtatanto kung sino talaga tayo at kung ano ang layunin natin bilang isang filipino. sa makatuwid ito'y nakatulong maghubog ng ating kaisipan at iba't ibang aspeto;

pamumuhay....
relihiyon.....
demokrasya....
ugali....
kaalaman.....

kahit pa na kasing paet ng ampalaya ang ating dinanas sa mga sumakop sa atin at sing pangit ng ugali ng traydor ang humambulas sa inosente nating pamumuhay, dito parin tayo humugot ng lakas upang maghiganti at lumaban hindi lang sa pisikal ganon na din sa intelektwal na aspeto. at ito'y rumerepresenta din sa  

four sisters and a wedding

 

Kuha ni Nicole Tolentino
   Ang storya ay nag simula sa apat na babaeng magkakapatid na humuhiling ng isang baby brother ng sagayo'y kanilang maranasan ang pagkakaroon ng kapatid na lalaki at maturing nila itong bunso, hindi nagtagal ang kahilingan ng apat ay natupad at ang bunso nilang kapatid ay ginanpanan ni Enchong Dee bilang si "CJ". sa pag lipas ng mga taon ang limang magkakapatid ay may mga kanya kanya ng trabaho at mga sarili ng desisyon. 
Dito pumasok ang pagpasya ng nakabubunso nilang kapatid na si CJ na magpakasal sa kanyang nobya na si  "Princess" na ginanpanan ni Angeline Quinto. ngunit ang apat na nakakatandang kapatid ni CJ ay hindi sumasang-ayon sa kanyang desisyon. Iniisip nila ang mga  negatibong resulta kung sakaling ituloy ni CJ ang pag-iisang dibdib sa kanyang nobya. at dito nadin pumasok ang gulo sa pamilya "Salazar". Ang panganay sa mag kakapatid ay ginampanan ni Toni Gonzaga bilang "Teddie" isa syang waitress sa ibang bansa. si Bea Alonzo bilang si "Bobbie" ang pinaka matalino sa limang magkakapatid, at Shaina Magdayao bilang si "Gabbie" ang certified katulong ng pamilya at isang professor, at ang huli ay si Angel Locsin bilang si "Alex" ang gig-addict ng pamilya na naimpluwensyahan ng kanyang boyfriend na si "Chad" sa pagiging rakista.
Kasing yaman ng gutierrez family sa totoong buhay ang mapapangasawa ni CJ wala namang kakikitaang masamang ugali ang pamilya nito sa halip sila pa ang mapagkumbaba at gagastos sa kasal ng dalawa, ngunit ang apat na nakatatandang kapatid ni CJ ay duda sa mga pinapamalas na ugali ng pamilya Bayag....
Kaya't ang apat na magkakapatid ay gumawa ng paraan upang matigil ang kasalan at dahil dito mas lumala ang problemang kinakaharap ng pamilya Salazar, ngunit ang apat na nakakatandang kapatid ni CJ ay may mga kanya kanya ding hinanakit at pagkukulang sa pamilya. ngunit sa huli ay nangibabaw pa din ang kapatawaran sa isa't isa, at nag kaayos ang dalawang pamilya. ang pelikulang ito ay may kapupulutang aral, ito'y pang pamilya kinapapalooban ng comedya at drama na tumutukoy sa modernong pamumuhay.